^

Bansa

Dagdag na US vessels sa West Philippines Sea asahan - Amb. Romualdez

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dagdag na US vessels sa West Philippines Sea asahan - Amb. Romualdez
Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez matapos mapasok ng US Navy’s Theodore Roosevelt Carrier Strike Group (TRCSG) ang rehiyon nuong April 4 para sa isang routine operations.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Marami pang barko mula sa Estados Unidos ang inaasahang darating sa West Philippine Sea o South China Sea.

Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez matapos mapasok ng US Navy’s Theodore Roosevelt Carrier Strike Group (TRCSG) ang rehiyon nuong April 4 para sa isang routine operations.

Sinabi ni Romualdez na tuluy-tuloy ang freedom of navigation operations ng Amerika. Layon nito na protektahan ang seaway sa nasabing rehiyon, ibig sabihin anumang klase ng barko ay makakadaan sa lugar na hindi hina-harass.

Ayon sa US Navy, ito na ang ikalawang pagkakataon na pumasok sa South China Sea ang TRCSG matapos na ideploy ito sa 7th Fleet area of operations.

NIlinaw pa ng Ambassador sa US na suportado ng Amerika ang protesta ng bansa South China Sea  at tiniyak sa kanila na handa silang tumulong sa PIlipinas kapag humingi tayo ng tulong sakaling mabigat ang ginagawa ng China.

Umaasa naman si Romualdez na aalis na ang mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef at sa iba pang teritoryo ng Pilipinas dahil hindi naman natin    kalaban ang China at huwag rin sana mangyari ito.

Handa na rin umanong tumupad ang Estados Unidos sa nilagdaang Mutual Defense Treaty sa PIlipinas kung ito ay kinakailangan.

vuukle comment

TRCSG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with