^

Bansa

ACT-CIS, naka-monitor sa bigayan ng ayuda

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigpit na binabantayan ngayon ng ACT-CIS Partylist ang distribusyon ng ayuda ng mga local government units (LGUs) para sa mga apektado ng NCR Plus lockdown.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, “marami  ang nagte-text at tumatawag sa aming opisina hinggil sa kulang daw ang ibinibigay sa kanila na ayuda”.

“Sabi ng pangulo, P1,000 bawat tao o P4,000 sa isang pamilya. Pero bakit may mga lugar na P1k lang ang inaabot sa isang pa-milya?” wika ni Yap.

Ani Cong. Yap, “isang halimbawa ‘yung ale na nagsumbong sa “Tutok Erwin Tulfo” radio program from Bagong Barrio, Ca-loocan.

P1,000 lang ang ibi­nigay sa kanya kahit pa dalawa ang kanyang anak na alam naman ng barangay daw.”

Ayon sa mambabatas, nirerekord nila ang mga sumbong at tatawagan ang mga LGUs kung bakit kulang ang ibinigay na cash ayuda sa kanilang mga constituents.

“Iniipon namin ang   mga reklamo ngayon at kapag natapos itong ECQ (enhanced community qua-rantine) ay maaring magpapatawag kami ng imbestigasyon. Kapag napatunayan na binubulsa nila ‘yung pera, kakasuhan namin sila sa Ombudsman.”

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with