^

Bansa

Bong Go sa LGUs: Pagbabakuna gawing episyente, mahabang pila iwasan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinaalala ni Senator at Senate Committee on Health chairman Christopher “Bong” Go sa local government units at sa mga namamahala ng vaccination centers na ipatupad ang episyente o maayos na paraan ng pagbabakuna.

Iginiit din niya sa pamahalaan na dagdagan at magpakalat pa ng mga awtorisadong vaccination spots para mapaikli ang paghihintay o maiwasan ang mahabang pila ng mga nais magpabakuna laban sa COVID-19.

“While we want to vaccinate as many people as we can, we still need to ensure their health and safety while they are in the process of getting vaccinated,” ayon kay Go.

Ipinaalala rin niya sa Department of Health, LGUs, at iba pang concerned authorities na lina­win o ayusin ang kanilang vaccination protocols para maiwasan ang mga abala o delay sa rollout.

Sinabi ng senador na dapat masunod ang “order of priority” at wala da­pat nabibigyan ng VIP o special treatment sa pagbabakuna.

Ayon sa senador, kung masusunod ang priority list ay mas magiging mabilis ang pagbabakuna sa lahat hanggang sa maabot ng bansa ang herd immunity.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with