^
Quarantine classification sa NCR Plus titimbangin ni Duterte
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, rerebyuhing mabuti ng Pangulo ang Health Care Utilization Rate (HCUR) bago ilabas ang pinal na desisyon.
AFP/Ted Aljibe

Quarantine classification sa NCR Plus titimbangin ni Duterte

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ng Malacañang na masusing pinag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pros at cons sa quarantine classifications sa Natio-nal Capital Region Plus areas kasama ang Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, rerebyuhing mabuti ng Pangulo ang Health Care Utilization Rate (HCUR) bago ilabas ang pinal na desisyon.

Kahapon ay inirekomenda ng OCTA Research Group na palawigin pa ng isang linggo ang ECQ sa NCR Plus.

Sa report ng OCTA, ang reproduction rate sa Metro Manila ay bumaba na sa 1.23 mula sa 1.88 bago pa ilagay sa ECQ ang NCR Plus.

Ipinunto ng OCTA na nagpapatuloy pa rin ang viral transmission at lampas pa sa 1 ang reproduction number kaya inirerekomenda pa rin   nila ang ECQ.

“Extend the ECQ for another week to continue to slow down the surge, decongest our hospitals and relieve the pressure on our healthcare wor-kers. OCTA believes that opening up the NCR+ prematurely would be a significant risk as it could accelerate the surge again,” anang OCTA.

Pero kung hindi palalawigin ang ECQ dahil sa ekonomiya, inirekomenda ng OCTA ang minimum na dalawang linggong modified enhanced community qua-rantine (MECQ).

Kagabi inaasahang ihahayag ng Malacañang ang magiging desisyon  ng Pangulo subalit walang naging anunsiyo ang Palasyo.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with