^
Nagbebenta ng Ivermectin tutugisin
Ang Ivermectin ay panggamot sa sakit sa hayop tulad ng kabayo, baka, baboy at iba pa.
FDA/Released

Nagbebenta ng Ivermectin tutugisin

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tutulong ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa Food and Drugs Administration upang tugisin at arestuhin ang mga sangkot sa hindi awtorisadong pagbebenta at distribusyon ng Ivermectin drugs na panggamot sa COVID-19.

Ayon kay PNP-CIDG Director P/Major Gen. Ignatius Ferro, titiyakin nilang mananagot sa batas ang sinumang nagbebenta ng mga peke, hindi rehistrado, walang lisensya at mga permit na mga gamot lalo na sa COVID.

“The CIDG will assist the FDA in suppressing or deterring lawless elements in their criminal acts of endangering the well-being of the community,” pahayag ni Ferro.

Ang Ivermectin ay panggamot sa sakit sa hayop tulad ng kabayo, baka, baboy at iba pa.

Ang Ivermectin ay isinusulong ng ilang mambabatas na gamitin sa COVID-19 dahil abot kaya ang halaga nito at napatunayan ng mabisa na ginagamit na sa ibang bansa.

Sa kabila nito, unang nagbabala ang FDA laban sa pagbili at paggamit ng Ivermectin lalo na ang mga ospital at doktor na walang aprubadong Compassio-nate Special Permit (CSP) mula sa FDA.

Sinabi rin ng FDA na walang solidong data na nagsasabing mabisang gamot kontra COVID ang Ivermectin.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with