^
50K tests kada araw giit para matuldukan ang COVID-19 surge
Ayon kay dating Health Secretary Dr. Paulyn Ubial, head ng PRC-Biomolecular Laboratories, hindi sapat ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) upang tuluyang matuldukan ang surge ng naturang nakamamatay na sakit.
PCOO/Released

50K tests kada araw giit para matuldukan ang COVID-19 surge

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iminungkahi ng isang opisyal ng Philippine Red Cross (PRC) sa pamahalaan ang pagsasagawa ng 50,000 COVID-19 tests araw-araw.

Ayon kay dating Health Secretary Dr. Paulyn Ubial, head ng PRC-Biomolecular Laboratories, hindi sapat ang umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) upang tuluyang matuldukan ang surge ng naturang nakamamatay na sakit.

Paliwanag niya, upang mas maging matagum- pay ang pagpapatupad ng ECQ ay dapat sabayan ito ng testing, isolation, at contact tracing.

“Ang number one na pagkukulang natin since the start ang sinasabi namin eh ‘yung testing. Napakababa, 37,000 per day pa rin. Eh ang goal natin noon is 50,000 per day hanggang ngayon ‘di natin naa-attain ‘yung 50,000 per day,” ayon pa kay Ubial sa panayam.

Ganito rin naman ang naging una nang pahayag ni dating special adviser to the National Task Force against COVID-19 Dr. Tony Leachon, na humihikayat sa pamahalaan na magsagawa ng 50,000 hanggang 100,000 tests kada araw.

Una nang sinabi ni testing czar Vince Dizon na pinag-aaralan ng pamahalaan na itaas ang testing capacity ng 80,000 hanggang 90,000 kada araw, gamit ang antigen test kits na sertipikado ng World Health Organization at ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM), kasama ang RT-PCR test.

Gayunman, sinabi ni Ubial na hindi isinusulong ng Philippine Society of Public Health Physicians, na kanyang kinabibilangan, ang paggamit ng antigen o rapid antibody test kits upang i-detect ang mga pasyente ng COVID-19 dahil maaari itong magdulot ng “false negative” results.

Sinabi na rin dati ng DOH na ang RT-PCR test ang nananatiling gold standard para sa COVID-19 testing. 

PRC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with