^

Bansa

Crematorium naniningil ng doble sa pamilya ng mga namatay sa COVID-19

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naniningil umano ng doble ang mga crematorium sa pamilya ng mga namatay sa COVID-19 partikular sa Metro Manila.

Base sa nakuhang impormasyon ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa mga pamilya ng namatayan, kung P25,000 ang singil sa crematorium kapag namatay umano sa COVID ay P50,000 pataas ang singil bukod pa sa mistulang metro ng taxi na storage fee dahil sa mahabang pila.

Sinabi ni Zarate na hindi lamang sa mga ospital  mahaba ang pila ng mga pasyenteng may COVID na nais magpa-admit kundi maging sa mga crematorium ay pila balde rin ang mga bangkay.

Ang National Capital Region (NCR) ay isa sa mga itinuturing na COVID hot zones sa bansa dahil sa mataas na kaso ng virus.

“Dapat ihinto ang ganitong kalakaran at huwag naman po sanang pagkakitaan pa ang trahedyang nangyari sa mga kababayan natin na napalalaki na nga ng ginastos sa ospital at ngayon nadagdagan pa ng malaking gastusin sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay,” ani Zarate. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with