^
Ivermectin âdi epektibo vs COVID-19 -- Health expert
Una nang nilinaw ng FDA na ang rehistradong oral at intravenous pre-parations ng Ivermectin ay veterinary products, na naaprubahan para mapigilan ang heartworm disease at para ipanggamot sa internal at external parasites ng ilang animal species.
Interaksyon/FDA/Released

Ivermectin ‘di epektibo vs COVID-19 -- Health expert

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi suportado ng controlled data o ginawang pag-aaral ng iba’t ibang bansa na epektibo ang anti-parasitic drug na Ivermectin na panggamot laban sa COVID-19, sa kabila ng pagsusulong ng ilang grupo para gamitin ito sa bansa.

“Ivermectin is very popular in South America where it is used for worms. A lot of countries started it using it out of desperation. Clearly, the controlled data, the data studies that are coming out really don’t show that it’s working,” ayon kay infectious disease expert Dr. Edsel Salvana sa panayam ng ANC nitong Biyernes.

“Early data showed that maybe it works in a Petri dish, maybe it works in certain subsets of patients, but when they did the big clinical trials with proper controls for any kind of bias, it turns out it doesn’t work,”aniya pa.

Sa kabila naman ng mga babala ng international health organizations, nag-isyu ang Food and Drug Administration nitong Huwebes ng compassionate use permit ng Ivermectin para gamitin sa pasyenteng may COVID-19.

Sa kasalukuyan, ang rehistradong Ivermectin products sa bansa na para sa tao ay para sa topical formulations at kailangan ng prescription o reseta. Ginagamit itong panggamot sa external parasites tulad ng kuto, skin conditions tulad ng rosacea.

Una nang nilinaw ng FDA na ang rehistradong oral at intravenous pre-parations ng Ivermectin ay veterinary products, na naaprubahan para mapigilan ang heartworm disease at para ipanggamot sa internal at external parasites ng ilang animal species.

Ikinalungkot din ni Sal­­vana na ang nagpo-promote sa paggamit ng Ivermectin ay non-medical professionals, sa kabila pa ng kawalan ng datos na nagpapakita ng benepisyo nito.

Mapanganib aniya na ang ilang eksperto sa ibang larangan ay gumagawa ng ‘epistemic trespassing’ na inaakala nila na alam at kaya nilang ipaliwanag ang isang bagay na hindi naman saklaw ng kanilang field.

Ayon naman sa Department of Health, sa ginawang systematic review ng 6 randomized con­trolled trials, nakitang walang naging pagbaba sa panganib na mamatay sa COVID-19 kahit gumamit na ng Ivermectin at sa haba ng hospitalization.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with