^
5K contact tracers para sa NCR Plus kukunin ng DOLE
Ayon kay Bureau of Workers With Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla ng DOLE, dapat sana ay 12,000 contact tracers ang kukunin na magta-trabaho sa loob ng 30 araw pero ang nais ng mga local government units ay patagalin ito sa 90 araw kaya nasa 5,000 na lamang ang kanilang makukuha.
The STAR/Michael Varcas

5K contact tracers para sa NCR Plus kukunin ng DOLE

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 10, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kukuha ng karagdagang 5,000 contact tracers ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa National Capital Region Plus na magseserbisyo sa loob ng 90 araw o tatlong buwan.

Ayon kay Bureau of Workers With Special Concerns Director Atty. Ma. Karina Perida-Trayvilla ng DOLE, dapat sana ay 12,000 contact tracers ang kukunin na magta-trabaho sa loob ng 30 araw pero ang nais ng mga local government units ay patagalin ito sa 90 araw kaya nasa 5,000 na lamang ang kanilang makukuha.

Sabi ni Trayvilla, mas mabuting ang mga residente ng isang LGU ang kuning contact tracers na hahanap ng mga nakasalamuha ng isang may COVID-19.

Magiging “conduit” lang aniya ang Public Employmeny Service Office kung saan maaaring magpasa ng requirements ang mga nais maging contact tracers.

Magiging online naman aniya ang tranings ng mga kukuning contact tracers sa online classroom ng Department of Interior and Local Government.

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with