^
Duterte nagbigay pugay sa frontliners
Sa kanyang taped video message para sa ika-79 National Day of Valor, sinabi ni Pangulong Duterte na habang nagpapatuloy ang bansa na malagpasan ang hamon ng COVID-19 pandemic, hayaang maglaan tayo ng konting sandali para parangalan ang lakas ng loob at dedikasyong ipinamamalas ng ating mga health workers at essential frontliners.
Presidential Photo/Simeon Celi, Jr.

Duterte nagbigay pugay sa frontliners

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 10, 2021 - 12:00am

Sa araw ng kagitingan

MANILA, Philippines — Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bayan sa paggunita sa Araw ng Kagitingan kahapon.

Sa kanyang taped video message para sa ika-79 National Day of Valor, sinabi ni Pangulong Duterte na habang nagpapatuloy ang bansa na malagpasan ang hamon ng COVID-19 pandemic, hayaang maglaan tayo ng konting sandali para parangalan ang lakas ng loob at dedikasyong ipinamamalas ng ating mga health workers at essential frontliners.

Ang hindi umano ma­tatawarang commitment nila sa labang ito ay nagpapakita ng katapangan at kabayanihan ng ating mga ninuno na nakipaglaban at ipinagtanggol ang Bataan noong mga unang panahon na patuloy na nagbibigay ngayon ng inspirasyon at pagiging makabayan sa panahong gipit ang sitwasyon.

Kaugnay nito, nagpaliwanag naman ang Malacañang sa kawalan ng public event kung saan makikita dapat ang Pa-ngulo sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, mistulang nakalimutan ng mga kritiko ang community quarantine kung saan hindi dapat nagkakaroon ng mga pagtitipon.

Sinabi rin ni Roque na mataas pa rin ang kaso ng COVID-19 at dapat tiyakin ang kaligtasan hindi lamang ni Duterte kundi ng mga staff at security na nakikipag-koordinasyon kung mayroong presidential event.

 

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with