^
AstraZeneca sa edad 59 pababa ipinatigil muna
“We are aware of the recommendation of the European Medicines Agency (EMA) to list blood clots as very rare side effects of the AstraZeneca vaccine,” ani FDA director general Eric Domingo.
AFP/Joel Saget

AstraZeneca sa edad 59 pababa ipinatigil muna

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pansamantalang sinuspinde ng Department of Health (DOH) ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccine sa mga edad 59 pababa kasunod ng abiso ng Food and Drug Admi-nistration (FDA) dahil sa ulat na may mga nabakunahan ang nakaranas ng blood clotting o pamumuo ng dugo at pagbaba ng platelet count.

“We are aware of the recommendation of the European Medicines Agency (EMA) to list blood clots as very rare side effects of the AstraZeneca vaccine,” ani FDA director general Eric Domingo.

Ayon sa opisyal, ba­gama’t wala pang naitatalang kaso ng pamumuo ng dugo at mababang platelet count sa mga nabakunahan ng AstraZeneca sa Pilipinas, ay kailangan ihinto ang pagbabakuna para matiyak ang kaligtasan ng populasyon.

Tiniyak naman ng DOH at FDA sa publiko na masusing pinag-aaralan na ng mga eksperto ang mga impormasyon kaugnay sa mga pangyayaring ito upang ma-kagawa ng nararapat na rekomendasyon sa paggamit ng nasabing bakuna.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang kaso hinggil sa side effects ng nasabing bakuna ang National Adverse Events Following Immunization Committee (NAEFIC).

Nilinaw naman ni Do­mingo na bagama’t si­nuspinde ang pagbabakuna ng AstraZeneca, hin­di nangangahulugan na delikado at hindi epektibo  ang nasabing bakuna.

 

FDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with