^
Duterte fit at healthy, negatibo sa COVID-19 test
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpapasalamat ang Palasyo sa mga Filipino na nag-aalala sa kalusugan ng Presidente Rodrigo Roa Duterte.
Presidential photo/Toto Lozano

Duterte fit at healthy, negatibo sa COVID-19 test

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nananatiling fit at healthy ang kasalukuyang kalusugan at kondisyon ng katawan ni Pangulong Duterte.

Reaksyon ito ng Ma-lakanyang sa kumalat na balita na na-stroke umano ang Punong Ehekutibo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagpapasalamat ang Palasyo sa mga Filipino na nag-aalala sa kalusugan ng Presidente.

Sinabi rin ni Roque na patuloy na ginagampanan ng Pangulo ang kanyang trabaho bilang pinuno ng bansa.

Siniguro rin ni Sen. Bong Go na malakas at hindi tinamaan ng COVID-19 si Pangulong Duterte. Aniya ang swab test ay isinagawa nitong nakaraang Semana Santa.

Samantala, pinabawasan ng Presidential Security Group ang mga aktibidad ni Pangulong Duterte matapos mara-ming miyembro ng PSG ang nagka-COVID.

Ayon kay PSG commander, Brig. General Jesus Durante, hindi muna ipagsasapalaran ng kanilang hanay ang kaligtasan ng Pangulo hanggang nananatiling mataas ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Sa ngayon, naka-lockdown ang buong Malacañang Complex dahil umii­ral ang ECQ sa Metro Manila.— Gemma Garcia

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with