^

Libong House employees ‘di na tuturukan ng AstraZeneca, Novavax na

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa halip na AstraZe-neca, nagdesisyon ang Kamara na Novavax na ang ibakuna kontra COVID-19 sa kanilang libong mga empleyado.

Ang hakbang ay matapos suspindihin ng DOH ang pagtuturok ng AstraZeneca para sa mga edad 60 pababa.

Kaugnay ito ng mga report na ilan sa mga naturukan ng AstraZeneca sa ibang bansa ay nagkaroon ng adverse effects na ‘blood clot’ at pagbaba ng platelets ng dugo.

Inaasahang sa ikatlong bahagi ng taon masisimulang mai-deliver ang Novavax sa bansa para masimulan na ang pagbabakuna sa mga empleyado ng Kamara. Ang Novavax ay gawa ng Serum Institute of India. 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with