^

Duterte no.1 pa rin sa approval, trust ratings

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nananatiling pinag­titiwalaan ng mara-ming Pilipino si Pangulong Rodrigo Duterte batay sa pinakabagong survey ng Publicus Asia sa mga opisyal ng pamahalaan.

Naitala ni Digong ang 64.8% approval at 55.1% trust ratings sa March 20-29, 2021 online survey na nilahukan ng 1,500 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Pumangalawa kay Duterte si Senate President Tito Sotto na nakakuha ng 40.9% approval, pangatlo si VP Robredo na may 29.1%, at sinundan ni Supreme Court Justice Diosdado Peralta na nakakuha ng 28.4%.

Nasa huling pwesto sa limang matataas na opisyal ng gobyerno si House Speaker Allan Lord Velasco. Naungusan pa ang lider ng Kamara ng SC Justice na karaniwang nahuhuli sa mga survey. Si Velasco ay nakakuha ng 25.4% approval at 14.5% trust ratings.

Ang survey ay ginawa ng Publicus Asia sa gitna ng pandemyang hinaharap ng bansa.

Noong Dec. 3-9, 2020 survey ng Publicus Asia, 69.8% ang nakuha ni Duterte sa approval rating, 49.9 % ang kay Sotto, 34.6 % kay Robredo, 30.7% ang kay Peralta at 29.7% ang nakuha ni Velasco.

Sa trust rating naman sa kaparehong panahon, si Duterte ay mayroong 62.3% rating, si Sotto ay may 30%, Robredo 23%, Peralta 18.5% at 18.1% ang nakuha ni Velasco.

Duterte no.1 pa rin sa approval, trust ratings

Angie dela Cruz

RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with