^

Industriya ng LPG matatag sa gitna ng pandemya

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kabila na mara-ming industriya ang pinadapa ng pandemya na dulot ng COVID-19 at marami ang nagsara at nawalan ng trabaho, may ilang negosyo rin na patuloy namang namamayagpag at naghahatid serbisyo-publiko sa mamamayan tulad ng industriya ng LPG.

Ayon sa dating mam­babatas na si Arnel Ty, malaki ang naging kontribusyon ng kanilang orga-nisasyon para mapanatili ang trabaho sa gitna ng pandemya.

Para kay Ty, pangulo ng partidong LPG/MA (LPG Marketers Association) at founder ng South Pacific Inc. (SPI) at Republic Gas Corporation (REGASCO), malaki ang naiaambag ng industriya ng LPG sa lipunan lalo na sa panahon ng pandemya.

“Hindi kami nagtanggal ng mga tao, bagkus nagdadagdag pa kami,” aniya.

Itinuring din ni Ty na frontline professionals tulad ng mga doktor at nurse ang kanilang mga tauhan at miyembro ng organisasyon dahil sa pagharap nila sa banta at panganib ng COVID.

“Sa panahon ngayon, marami ang umiiwas sa matataong lugar at takot lumabas. Nakahanda naman kami para ihatid sa consumer ang aming produkto,” ani Ty. “Highly trained” ang mga tauhan at miyembro ng aming organisasyon at maitutu-ring silang mga frontline professional.”

Ipinagmalaki rin ni Ty na simula nang ipa­tupad ang community quaran­tine sa bansa, hindi nagbago ng presyo o tu­maas ang halaga ng LPG sa panahon ng pandemya. 

LPG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with