^

Bong Go: SAP para sa 22.9 milyong Pinoys pabilisin

(Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nag-alala si Senator Christopher “Bong” Go sa kalagayan ng mga pamilyang apektado ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine restrictions sa National Capital Region Plus areas dahil sa paglobo ng kaso ng COVID-19.

Kaya naman hiniling ni Go sa Department of Social Welfare and Development at mga apektadong local government units na pabilisin ang pamamahagi ng Supplemental Amelioration Program sa tinatayang 22.9 million low-income Filipinos.

“Higit kumulang 22.9 milyong mahihirap na katao na bumubuo ng 80 porsyento ng populasyon ng NCR at mga probinsya ng Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna na naka-ECQ ngayon ang dapat ma-bigyan ng ayuda sa lalong madaling panahon,” igniit ni Go.

“Aprubado na ito ng Pangulo kung kaya’t dapat na bilisan na natin ang pagbigay ng ayuda. Sa tulong ng mga LGUs, dapat maipamahagi ito sa bawat kwalipikadong indibidwal sa paraang maayos, mabilis, at walang bahid ng pulitika o korapsyon,” ayon sa senador.

Nasa P23 bilyon ang hinugot sa balanse ng Bureau of Treasury sa ilalim ng ‘Bayanihan to Recover as One Act’ kasunod ng apela ni Go na dagdagan ang ayuda sa mahihirap na pamilya na naapektuhan ng ECQ measures.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with