^

Meralco may dagdag-singil sa Abril

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 9, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bahagyang tataas ang singil sa kuryente ng Meralco sa bill ngayong Abril.

Ayon sa power distri-butor, tataas ng P0.087 kada kilowatt hour ang kanilang singil ngayong Abril dahil nagmahal din ang generation charge.

Katumbas ito ng P17 dagdag sa residential customers na may 200 kWh kada buwan na konsumo; P26 sa nakakagamit ng 300 kwh; P35 sa 400 kwh at P44 sa 500 kwh.

Sa kabila nito, sinabi ng Meralco na ang overall rate ngayong Abril na nasa P8.5884/kWh ay mas mababa pa rin kumpara noong nakaraang taon na nasa P8.9951/kWh.

Ayon pa sa Meralco, mas malaki pa dapat ang pagtaas kung hindi bumaba ang presyo ng kuryente galing sa ibang supplier.

MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with