^
Astrazeneca tigil muna sa non-'seniors,' kaso 2nd dose ng naturukan na paano?
Inihahanda ng nurse na ito ang isang dose ng Oxford/AstraZeneca vaccine laban sa COVID-19 sa isang center sa Medellin, Colombia, ika-7 ng Abril, 2021
AFP/Joaquin Sarmiento

Astrazeneca tigil muna sa non-'seniors,' kaso 2nd dose ng naturukan na paano?

(Philstar.com) - April 8, 2021 - 5:28pm

MANILA, Philippines — Maaari pa ring ibigay ang ikalawang dose ng AstraZeneca vaccines laban sa coronavirus disease (COVID-19) para sa mga nakatanggap na ng unang dose — 'yan ay kung hindi sila makaranas ng ilang "rare" side-effects matapos maturukan.

Sinuspindi muna kasi ng Department of Health at Food and Drug Administration  ang pagtuturok ng naturang bakuna sa mga 18-59 taong gulang, matapos maiulat na nagdudulot ito ng bihirang "pamumuo ng dugo" at mababang platelet.

Dahil diyan, nalilito tuloy ang ilan — partikular ang mga nakakuha na ng first dose ng AstraZeneca — kung masasayang na lang ang unang dose na itinurok sa kanilang braso.

'Ikalawang dose itutuloy kung...'

Hindi naman daw kailangang mag-alala sabi ni FDA director general Eric Domingo. Pwede pa naman daw ituloy ang second dose para sa ilang nasaksakan na ng AstraZeneca.

"The rare side effect was so far observed only after the first dose. So if nothing happened after the first dose then no problem sa [pagbibigay ng] second dose," ani Domingo, Huwebes.

"This is very rare but it will be included in the things to watch out for so we have to review the data and prepare before the next batch of vaccines come."

Pagtitiyak pa ng FDA, makukumpleto naman ang review ng datos ng AstraZeneca bago pa man dumating ang petsa ng pag-iineksyon ng second dose.

Jabs ng senior citizens walang patid

Tuloy-tuloy pa rin naman ang pagtuturok ng bakuna na likha ng British-Swedish manufacturer para sa mga 60-anyos pataas.

"I want to emphasize that this temporary suspension DOES NOT MEAN that the vaccine is unsafe or ineffective—it just means that we are taking precautionary measures to ensure the safety of every Filipino," dagdag ni Domingo.

"We continue to underscore that the benefits of vaccination continue to outweigh the risks and we urge everyone to get vaccinated when it's their turn."

Hindi gaya ng CoronaVac ng Chinese manufacturer na Sinovac, na nakitaan ng "mas mababang bisa" para sa mga senior citizens, walang nakitang ganitong epekto ang AstraZeneca.

Gayunpaman, sisimulan na ring turukan ng CoronaVac ang mga senior citizens matapos magbigay ng "go signal" ang gobyerno dahil sa kakulangan ng vaccine supply.

Tinitiyak naman ngayon ng DOH at National Task Force Against Covid19 na libre pa rin ang mga bakuna, habang ine-engganyo ang mga nakatatanda at persons with comorbidities na magpabakuna sa kani-kanilang mga local government units.

Umabot na sa 828,366 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong araw, ayon sa huling taya ng pamahalaan. Sa bilang na 'yan, patay na ang 14,119. — James Relativo

ASTRAZENECA COVID-19 VACCINE DEPARTMENT OF HEALTH FOOD AND DRUG ADMINISTRATION NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with