^
1 milyong COVID-19 cases sa 'Pinas pwedeng maaabot ngayong Abril â OCTA
Bumper-to-bumper ang trapiko sa Marcos Highway sa hangganan ng Marikina at Antipolo city sa Rizal habang nag-iinspeksyon ang mga pulis ngayong nagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila at apat pang lalawigan, ika- 29 ng Marso, 2021.
The STAR/Boy Santos

1 milyong COVID-19 cases sa 'Pinas pwedeng maaabot ngayong Abril — OCTA

James Relativo (Philstar.com) - April 5, 2021 - 2:04pm

MANILA, Philippines —  Hindi raw imposibleng umabot sa mahigit isang milyon ang nahahawaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas bago magtapos ang buwang ito, babala ng ilang eksperto ngayong araw.

"'Yung 1 million total cases, that will be breached before the end of April based on the projections that we're seeing," ani Guido David, research fellow ng OCTA Research Group, ngayong Lunes sa Laging Handa briefing.

  • Ilan na ba ang COVID-19 cases sa bansa?: Nasa 795,051 na ang COVID-19 cases sa Pilipinas sa huling taya ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.

  • Projection ng COVID-19 infections: Nakikita ngayon ng OCTA Research ang 11,000 hanggang 12,000 kaso araw-araw para sa susunod na linggo o hanggang makakita ng "downward trend" sa COVID-19 cases, ani David. "So bago natin makita ang downtrend, ganoon pa rin. matataas pa rin ang numbers na makikita natin," dagdag niya.

Tumaas daw nang bahagya ang reproduction number ng bansa matapos ang mahigit 11,000 new cases na naitatala araw-araw. Dahil sa record-high increases nitong mga nakaraang araw, umabot na raw ito sa 1.6. 

Ginagamit ang reproduction number para ipakita ang potensyal ng sakit upang makapanghawa. Kapag ito'y mas mataas sa isa, kumakalat pa ang sakit. Ngunit sinasabing nagfla-flatten na ang "epidemic curve" kung mas mababa ito sa isa.

Aniya, kasalukuyang nasa 1.3-1.2 ang trajectory ng reproduction number ng COVID-19 sa Pilipinas bago matapos ang paparating na linggo.

Biyernes Santo nang umabot sa 15,310 ang bagong COVID-19 cases sa Pilipinas — ang pinakamataas sa kasaysayan ng Pilipinas. 

Sumirit din sa 165,715 ang aktibong kaso ng COVID-19, o 'yung mga hindi pa gumagaling sa virus, noong Sabado. Ito rin ang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.

'Maganda epekto ng ECQ'

Sa kabila ng nakalululang mga pigura, aminado naman ang mga eksperto na "maganda" ang epekto ng isang linggong ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus bubble, ang pinakamahigpit na lockdown na ipinataw para kontrolin aniya ang pagsipa ng COVID-19 cases.

"Noong time ng GCQ bubble, nag-improve by 0.1 ang reproduction number from mga 2 to 1.9 approximately... Pero with the ECQ, nag-improve siya from 1.9 to 1.6," patuloy ni David.

"'Yung trend is slowing down. Kung ico-compare natin 'yung one-week growth rate, nag-decrease siya from 60% increase to a 20% increase."

Sabado lang nang ianunsyo ni presidential spokesperson Harry Roque na ie-extend pa ito para sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite, na siyang nagpapataw nang matitinding restrictions sa pagkilos, paglabas-labas ng bahay at operasyon ng mga negosyo.

Saad pa ni David, sana'y umabot sa 1.0 o malapit sa 1.0 ang reproduction number gamit ang isa pang linggo ng ECQ sa NCR Plus.

Maaga para sabihing luluwag, hihigpit sa lockdowns

Sa kabila niyan, sinabi naman ni UP Prof. Butch Ong ng OCTA na masyado pang maaga para sabihin kung maluluwagan o lalong pahahabain ang NCR Plus lockdown dahil sa pagbagal ng pagsipa ng COVID-19 cases.

Kanina lang nang sabihin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga batayan bago ilagay sa mas maluwag na modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at apat na kalapit na probinsya.

"Aside from... looking at the healthcare utilization, 'yung gamit ng ospital, tinitignan din natin 'yung mga kaso, 'yung average daily attack rate at tska 'yung two-week growth rate," wika ng DOH official kanina.

"Tinitignan din natin ang ating gate keeping indicator... itong PDITR na iniify natin, katulad ng mga contact tracing, surveillance, 'yun pong testing, 'yun pong isolation and quarantine."

Kapag nasusunod na raw ang mga ito, kahit na ang "first level targets" para sa mga lokal na gobyerno at lumuwag ang mga ospital, pwede na raw itong gamiting batayan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para mag-shift sa lower quarantine classification sa NCR Plus. — may mga ulat mula sa ONE News

DEPARTMENT OF HEALTH NATIONAL CAPITAL REGION NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with