^
Dagdag ECQ ayuda labas sa P1,000? 'Wala nang pera,' sabi ng Malacañang
Kita sa larawang ito ang pamimili ng mga supply sa grocery ng ilang residente bago ipatupad ang pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal ngayong Marso, 2021
The STAR/Walter Bollozos

Dagdag ECQ ayuda labas sa P1,000? 'Wala nang pera,' sabi ng Malacañang

James Relativo (Philstar.com) - April 5, 2021 - 12:06pm

MANILA, Philippines — Wala nang pera ang gobyerno para sa dagdag na ayuda para sa mga apektado ng enhanced community quarantine (ECQ) kontra COVID-19, pero may magagawa naman daw ang gobyerno para madagdagan pa ang aid na ito.

Ito ang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, Lunes, matapos patagalin ng isa pang linggo ang ECQ para sa NCR Plus bubble hanggang ika-11 ng Abril.

"[Budget Secretary Wendel Avisado] has said that under the existing budget, we have no further source for ayuda," ani Roque sa panayam ng CNN Philippines kanina.

"But if there is need for further ayuda, then Congress would have to be called into a special session... we would have to get a supplemental budget for that purpose."

Hangga't maaari magandang maibigay na raw ang P1,000 ayuda para sa 22.9 milyong indibidwal sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal "as soon as possible." Gayunpaman, hindi nagbigay ng deadline si Roque.

Sa kabila ng tulong na P1,000, matatandaang nagtakda ng maximum na P4,000 kada pamilya ang Department of Budget and Management.

Una nang sinabi ni Avisado na ibibigay ang ayuda "in kind" ngunit binigyang laya raw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga local government units na diretsong magbigay ng cash para mapabilis ang proseso.

'Pandalawang linggo ang P1,000'

Ilang grupo na gaya ng Act Teacher's party-list at IBON Foundation ang nagsabing insulto at hindi sapat ang P1,000 kada taong ayuda habang hindi makalabas ang marami para magtrabaho sa mga industriyang sarado habang may ECQ. 

Sa kabila nito, ipinaliwanag ng Palasyo na pandalawang linggo na raw talaga 'yan lalo na't sunud-sunod ang araw na walang pasok noong Semana Santa.

"Government, when we decided to distribute P4,000 per family already, we considered already that the ECQ would be for two weeks. The reason is, of course, during Holy Week, they only lost two days of working days effectively," dagdag ni Roque.

"We believe, although it is never enough, this will tie over our countrymen in this additional ECQ. And that is also a consideration whether or not there would be a third week of ECQ."

Tuwing Mahal na Araw, kinikilalang Regular Holidays ang Huwebes Santo at Biyernes Santo habang Special Non-Working Holiday naman ang Sabado de Gloria.

Sa estima ng IBON Foundation, nasa P1,064 ang kailangan ng pamilyang Pilipino na may limang miyembro para matugunan ang "basic needs" sa isang araw lang — batay na rin sa mga datos mula Pebrero 2021.

ACT TEACHERS PARTY-LIST BULACAN CAVITE ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE FINANCIAL AID HARRY ROQUE IBON FOUNDATION LAGUNA METRO MANILA NOVEL CORONAVIRUS RIZAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with