_ngayon
^

13 local execs na sumingit sa bakuna naisyuhan ng show cause orders – DILG

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umaabot na sa 13 local officials ang naisyuhan nila ng show cause orders matapos na sumingit sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.

“Meron na po tayong 11 mayors, isang go-vernor, isang konsehal,” ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Den-sing III.

Kabilang sa mga pi­nakahuling napadalhan ng show cause orders ng DILG sina Mayor Victo-riano Torres ng Alicia, Bohol; Mayor Virgilio Mendez ng San Miguel, Bohol; Mayor Arturo Piollo II ng Lila, Bohol; Mayor Rode-rick Alcala ng Lucena City, Quezon at Mayor Mele-cio “Boboy” Yap ng Esca-lante, Negros Occidental, gayundin si Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong at Parañaque City Councilor Jackie Bustamante-Mendoza.

Una nang inatasang magpaliwanag ng DILG sina Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban City, Leyte; Mayor Dibu Tuan ng T’boli, South Cotabato; Mayor Sulpicio Villalobos ng Sto. Niño, South Cotabato; Mayor Noel Rosal ng Legazpi City, Albay;  Mayor Abraham Ibba ng Bataraza, Palawan at Mayor Ela-nito Peña ng Minglanilla, Cebu.

Kinumpirma naman ni Densing na sa ngayon ay natanggap na nila ang paliwanag ni Mayor Rosal at naglabas na aniya siya ng direktiba sa regional office na beripikahin ang katotohanan sa likod nito.

Ipinabeberipika na rin umano ni Densing ang iba pang mga ulat na mas marami pang alkalde ang nagpabakuna na rin laban sa COVID-19.

Nauna rito, umapela na rin si Manila Mayor Isko Moreno sa pamahalaan na payagan nang maisama sa priority list ang mga alkalde, media at mga bumbero dahil madalas din silang ma-lantad sa COVID-19.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with