_ngayon
^

Bansa

Delivery ng mga bakuna made-delay

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaantala ang pagdating sa bansa ng mga bakuna kontra COVID-19, ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr.

Noong Marso 24 ay mayroon sanang deli-very na 929,000 doses na AstraZeneca subalit ang mga bansang gumagawa ng bakuna ay prayoridad munang bakunahan ang kanilang mamamayan.

Dahilan dito kaya hindi muna sila makapag-deli-ver sa iba’t ibang mga bansa kabilang ang Pilipinas.

Ayon kay Galvez, gusto ng mga bansang ito na mabakunahan muna ang kahit 70% ng kanilang populasyon.

Sa kabila nito, pinanghahawakan pa rin umano nila Galvez ang commitment ng COVAX facility at World Health Organization (WHO) na makakapagdeliver sa bansa sa Abril ang AstraZeneca.

Bukod dito, mayroon din umanong inaasahang delivery na 2.6 milyon doses sa Mayo mula sa procurement o mga binili ng pribadong sektor na ang kalahati nito o 1.3 milyong dose ay handa nilang i-donate.

Siniguro naman ni Galvez na pansamantala lamang ang delay sa supply at sa katunayan, ang America at Israel ay handang mamahagi ng kanilang mga bakuna sa sandaling makumpleto nilang mabakunahan ang 70% ng kanilang mga populasyon.

Inaasahan din nila na matutuloy ang delivery ng iba pang vaccine manufacturer sa binili nating mga bakuna sa 3rd at 4th quarter ng taong ito.

COVAX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with