^

Bansa

Bong Go, patuloy sa pag-ayuda sa mga Pinoy na pinabagsak ng krisis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi tumitigil si Senator Christopher “Bong” Go sa pagbibigay ng ayuda sa mga Filipino na pinabagsak ng kasalukuyang krisis para makabangon, kagaya ng mga pamilyang nasunugan sa Leon Garcia sa Agdao, Davao City at sa Navotas City sa Metro Manila.

“Mga kababayan ko, huwag po tayong mag-alala dahil hindi kayo pababayaan ng gobyerno. Mag-cooperate lang tayo, magtulungan at magbayanihan. Malalampasan rin natin ang lahat ng pagsubok na ating hinaharap sa panahong ito,” ayon kay Go.

Umaabot sa 66 benepisyaryong pamilya ang nabiyayaan ng makakain, food at medicine packs, bitamina, medical-grade masks at face shields sa aktibidad na isinagawa sa Leon Garcia Sr. National High School.

Ilang piling indibid­wal ang binigyan ng mga bagong sapatos, bisikleta at ang iba ay computer tablets para magamit ng mga bata sa kanilang blended learning.

Bilang parte naman ng government efforts na makapagbigay din ng ayuda sa mga komunidad na nagrerekober sa  krisis, nagsagawa naman ng assessment ang National Housing Authority sa mga kabahayan o tahanan na nangangaila­ngan ng repair sa kanilang mga nasunog na tirahan.

Sa Navotas City, naghatid din si Senator Go ng ayuda sa 26 pamilya na binubuo ng 62 biktima ng sunog noong February 20, 2021 sa Barangay Tangos South.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with