^

Bansa

Quick Substitution List kinumpirma ng Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Mala­cañang na mayroong Quick Substitution List o listahan ng mga taong puwedeng mabigyan ng bakuna sakaling hindi dumating o ayaw talagang magpabakuna ng isang health worker.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang kumpirmasyon sa gitna ng isyu nang pagbabakuna ng mga hindi kabilang sa priority list kung saan nakasama ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Ipinunto ni Roque na hindi maaaring masayang ang mga vials kaya nagkaroon ng listahan ng mga posibleng mabigyan ng bakuna.

Kinumpirma rin ni Roque ang sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez tungkol sa Quick Substitution List na kasama ang mga taong may ibang sakit o comorbidity.

Samantala, maaari umanong sampahan ng kasong paglabag sa Code of Ethics for All Public Officers ang mga mayor na nagpabakuna kahit hindi sila kasama sa prayoridad.

Pero aminado si Ro­que na walang maaaring ikaso sa mga pribadong indibiduwal dahil walang batas na maaring gamitin para siya ay maparusahan.

vuukle comment

MARK ANTHONY FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with