_ngayon
^

Libu-libong rice farmers sinanay ng RCEF

(Pilipino Star Ngayon) - March 23, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Libu-libong rice farmers ang sinanay at naabot ng information campaign na ipinapatupad ng Rice Competitiveness Extension Fund-Rice Extension Services Program (RCEF-RESP) mula nang lagdaan ang Rice Tariffication Law noong 2019.

Ayon kay Karen Eloisa T. Barroga, vice-chair ng Technical Working Group ng RCEF-RESP, mas marami nang farmers at trainers ang naturuan ng mga extension services ng RCEF at palalawakin pa ngayong taon upang bigyan ang mga magsasakang Pilipino ng tamang impormasyon ukol sa mga pamamaraan at teknolohiyang makapagpapababa ng gastusin at makapagpapataas ng ani ng palay.

Sa ilalim ng RCEF-RESP, mga 1,600 na ang dumaan sa pagsasanay sa iba’t ibang rehiyon ng bansa sa rice crop production, modern rice farming techniques, seed production, at farm mechanization. Kabilang sa mga trainees ang mga rice farmers, mga may-ari ng mga sakahan at kanilang tauhan, at mga empleyado ng pamahalaan mula Agriculture Training Institute (ATI) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Kaakibat ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) ang  ATI at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PHilMech) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) at TESDA sa pagpapatupad ng mga nasabing training.

RICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with