Pacquiao gustong maging presidente – Lacson
MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Sen. Panfilo Lacson na nais tumakbo ni Sen. Manny Pacquiao bilang presidente ng bansa.
Ayon kay Lacson, dalawa o tatlong beses na siyang nilapitan ni Pacquiao at nais siyang kausapin tungkol sa plano partikular na sa budget.
Kinumpirma rin ni Lacson na noong nakaraang taon pa siya kinausap ni Pacquiao.
Subalit sa ngayon ay ayaw muna umano itong pag-usapan ni Pacquiao dahil mayroong pandemya.
Sa kasalukuyan ay national president si Pacquiao ng PDP-Laban kung saan miyembro din dito si Pangulong Duterte.
- Latest