^

Bansa

80% kaso ng P.3 variant natukoy sa Central Visayas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
80% kaso ng P.3 variant natukoy sa Central Visayas
“Of the 98 cases that we have detected to be positive for the P.3 variant, I think 80 percent were coming from Region 7,” ayon kay Department of Health-Epidemiology Bureau head Dr. Alethea de Guzman.
AFP/Anthony Wallace

MANILA, Philippines — Mula sa Central Visayas ang malaking bahagi ng COVID-19 P.3 variant na unang natukoy sa Pilipinas.

“Of the 98 cases that we have detected to be positive for the P.3 variant, I think 80 percent were coming from Region 7,” ayon kay Department of Health-Epidemiology Bureau head Dr. Alethea de Guzman.

Biniberipika pa ng DOH ang lokasyon ng 20 por­syento ng mga kaso dahil maaaring na-test sa ibang lugar ang mga pasyente ngunit nakatira naman sa ibang rehiyon sa bansa dulot ng mas maluwag na pagkilos ngayon ng mga tao.

Pinag-aaralan din ng DOH ang epekto ng P.3 va­riant na may N501Y at E484K mutations na matatagpuan rin sa UK, South Africa at Brazil variants.

Ayon kay De Guzman, ang N501Y mutation ay iniulat na mas nakahahawa habang ang E484K mutation naman ay maaa­ring makaapekto sa bisa ng mga bakuna.

CENTRAL VISAYAS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with