^

Bansa

Kapangyarihan ng kababaihan kinilala ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Kapangyarihan ng kababaihan kinilala ni Duterte
Nagsagawa ng kilos protesta ang grupong Gabriela sa may Mendiola Bridge kahapon kaalinsabay sa pagdiriwang ng International Women’s Day.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Sa gitna nang paggunita kahapon ng International Women’s Day, nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na itaas at pala­kasin ang kapangyarihan ng mga kababaihan.

Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na dapat ilagay ang mga kababaihan sa kanilang “rightful place” sa lipunan.

Aminado rin ang Pa­ngulo na mayroong “backward mindset” na nagi­ging sanhi ng gender oppression at inequality.
“Let us elevate women to their rightful place in society by empowering every Filipina to break not only the barriers that have long hindered them from reaching their full potential, but also the backward mindset that fueled a culture of gender oppression and inequality,” ani Duterte.

Hinikayat ni Duterte ang mga mamamayan na makiisa sa selebrasyon ng papel ng mga kababaihan sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan nang pagsuporta sa buwan ng mga kababaihan.

Idinagdag ni Duterte na napakarami pang dapat gawin upang tuluyang mapalaya ang mga kababaihan mula sa pagkaalipin at hindi pantay na pagtrato.

Gumagawa anya ng aksiyon ang gobyerno upang isulong ang karapatan ng mga kababaihan at irespeto ang kanilang kontribusyon sa lipunan.

 

vuukle comment

INTERNATIONAL WOMEN’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with