^

Bansa

Price ceiling sa baboy, manok mananatili – DA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Price ceiling sa baboy, manok mananatili � DA
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, epektibo hanggang April 8 ang inilabas na presyo sa ilalim ng executive order 124 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
STAR/File

MANILA, Philippines — Mananatili at hindi itataas ang P300 presyo ng baboy kada kilo at  P160 sa kilo ng manok sa Metro  Manila.

Ito ang iginiit ng Department of  Agriculture (DA)  sa gitna ng panawagan ng mga hog raisers at mga vendors na itaas ang price ceiling na ipinatutupad ng gobyerno para rito.

Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, epektibo hanggang April 8 ang inilabas na presyo sa ilalim ng executive order 124 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Secretary Dar, lalo lamang pagsasamantalahan ang pagpapataas pa sa pres­yo ng baboy at manok kapag ito ay binago dahil hanggang sa ngayon ay nananalasa pa rin ang African Swine Fever (ASF)  sa bansa. 

Anya, hindi na rin magi­ging akma pa ang pagbabago sa ipinatutupad na ‘price cei­ling’ dahil may mga vendor na rin sa ibang mga palengke na nagtakda ng sarili nilang pres­yo na mas mataas dito. 

 

vuukle comment

PORK MEAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with