^
38,400 doses pa ng AstraZeneca darating ngayon
Sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez na ang darating na bakuna ay bahagi ng 525,600 doses na ibinigay ng COVAX facility sa Pilipinas,
STAR/ File

38,400 doses pa ng AstraZeneca darating ngayon

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ni vaccine czar Carlito Galvez na 38,400 pang doses ng bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng AstraZeneca ang darating ngayon (Linggo).

Sinabi ni Galvez na ang darating na bakuna ay bahagi ng 525,600 doses na ibinigay ng COVAX facility sa Pilipinas,

Nauna nang duma­ting ang 487,200 doses noong Huwebes ng gabi na sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Galvez na inaasahang darating ang natitirang 38,400 doses dakong alas-7 mamayang gabi.

“‘Yung ating inaantay na bakuna from COVAX, at ito 487,200 more or less. [Ang original] na darating ay 525,600. I would also like to tell the public, ‘yung kulang ay darating po bukas na more or less 7 p.m,” ani Galvez.

Nauna rito, nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte sa World Health Organization at sa mga bansa na nag-donate ng bakuna para sa Pilipinas.

CARLITO GALVEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with