^
Duterte sa mga Filipino: âMagpabakuna kayoâ
Hawak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang vial ng COVID-19 vaccine na gawa ng British drugmaker na AstraZeneca matapos pangunahan ang ceremonial turnover ng unang delivery ng nasabing bakuna sa Pilipinas.
Alfred Frias/Presidential Photo

Duterte sa mga Filipino: ‘Magpabakuna kayo’

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang humihikayat sa mga Filipino na magpabakuna sa lalong madaling panahon.

Sa talumpati ng Pangulo kamakalawa ng gabi matapos salubungin ang shipment ng bakuna na gawa ng AstraZeneca, umapela ito sa mga mamamayan na magpabakuna at tumulong sa gobyerno sa pagpigil nang pagkalat ng COVID-19.

“On this note, I would like to appeal to all our kababayans: Please get vaccinated against COVID-19 and be the government’s partner in preventing further spread of the disease,” ani Duterte.

Sinabi rin ng Pangulo na ligtas ang mga bakuna at ito ang susi sa pagbubukas ng lipunan.

Muling inulit ng Pa­ngulo na habang hinihintay ang bakuna ay dapat ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health at safety protocols.

“Let us continue observing and practicing health and safety protocols while waiting for more COVID-19 vaccines to reach the Philippines,” ani Duterte.

Bagaman at hindi pa nalalampasan ang problema na dala ng COVID-19, mayroon naman anyang progreso at tiyak na malalampasan ang pandemya kung magtutulungan ang lahat.

Pinasalamatan din ni Duterte ang World Health Organization at mga bansa na nag-donate ng 487,200 dozes ng AstraZeneca.

“I don’t know how to express my gratitude to the donor countries that you remembered the poor nations is in fact already a plus for humanity. And in behalf of the Republic of the Philippines and of the people and all, I’d like to say again that we felt the gratitude in our hearts and may God bless you for your benevolence,” ani Duterte.

COVID-19 VACCINE RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with