^
China magdo-donate pa ng 400K doses ng bakuna
Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng dalawang school buildings sa Valenzuela City, sinabi ng Pangulo na magiging 1 milyong doses ng bakuna ang donasyon ng China sa bansa.
Unsplash stock

China magdo-donate pa ng 400K doses ng bakuna

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magdo-donate pa ng 400,000 doses ng bakuna sa Pilipinas ang China, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang talumpati sa inagurasyon ng dalawang school buildings sa Valenzuela City, sinabi ng Pangulo na magiging 1 milyong doses ng bakuna ang donasyon ng China sa bansa.

Matatandaan na mismong si Duterte ang sumalubong sa 600,000 doses ng bakuna na gawa ng Sinovac ng China noong Linggo.

Hindi naman binanggit ng Pangulo ang brand ng 400,000 doses ng bakuna na ibibigay ng China.

Pero muling sinabi ng Pangulo na nais niyang iturok sa kanya ang bakuna ng Sinopharm ng China.

“Ang akin is Sinopharm, China. Hindi masyado ako maano diyan sa mga produkto ng puti. So ganoon. But I will be receiving another batch. And then another --- China would give us another 400,[000] making their donation to this country 1 million,” ani Duterte.

Binanggit din ng Pangulo na ang 487,200 doses ng bakuna na gawa ng AstraZeneca ay donasyon naman ng World Health Organization na tumitiyak na magkakaroon ng bakuna kahit ang mga mahihirap na bansa.

CHINA COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with