^
Moderna vaccine darating sa Pinas sa Mayo o Hunyo
Ayon kay Romualdez, mayroon nang kasunduan tungkol sa bakuna ng Moderna at hinihintay na lamang ang suplay.
AFP/Joel Saget

Moderna vaccine darating sa Pinas sa Mayo o Hunyo

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa Mayo o Hunyo 2021 darating sa Pilipinas ang unang batch ng bakuna na gawa ng Moderna, ayon kay Phl Ambassador to the US Jose Romualdez.

Ayon kay Romualdez, mayroon nang kasunduan tungkol sa bakuna ng Moderna at hinihintay na lamang ang suplay.

“We’ve already concluded the agreement, ‘yong supply na lang, we’re threshing out the supply kung kailan nila puwedeng i-deliver itong Moderna,” ani Romualdez.

Umaasa silang mangyayari ang unang delivery bago matapos ang Mayo o sa mga unang bahagi ng Hunyo.

Ayon pa kay Romualdez, nasa 20 milyong doses ng bakuna na gawa ng Moderna ang inaasahang darating sa bansa.

Halos kalahati ng nasabing bilang ay mapupunta sa pribadong sektor at kanilang mga empleyado samantalang ang kalahati ay mapupunta sa mga health workers at mga local government units.

COVID-19 VACCINE MODERNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with