^
Pinas may 52 bagong kaso ng South African variant, 42 mutations
Bukod dito, 31 bagong kaso ng United Kingdom variant at 42 bagong kaso ng lokal na mutations ng virus ang naitala rin ng UP-PGC mula sa ika-siyam na batch ng 350 samples na kanilang sinuri.
AFP/Ted Aljibe

Pinas may 52 bagong kaso ng South African variant, 42 mutations

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 52 bagong kaso ng mas nakahahawang South African variant ng COVID-19 makaraan ang isinagawang sequencing ng UP-Philippine Genome Center (PGC).

Bukod dito, 31 bagong kaso ng United Kingdom variant at 42 bagong kaso ng lokal na mutations ng virus ang naitala rin ng UP-PGC mula sa ika-siyam na batch ng 350 samples na kanilang sinuri.

Sa ulat ng DOH, sa 52 bagong kaso ng South African o B.1.351 variant, 41 nito ay natukoy sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila habang 11 ay biniberipika pa kung mga lokal na kaso o mga ‘returning overseas Filipinos (ROFs)’.

Isa sa mga kaso ay nakarekober na habang ang nalalabing 51 ay mga aktibo at kasalukuyang kinokontrol na ng pamahalaan para hindi kumalat.

Nasa 31 naman ay ang UK o B.1.1.7 variant. Ang 28 sa kanila ay natukoy sa Metro Manila habang ang tatlo pang kaso ay kinukumpirma pa. Lahat naman sila ay mga aktibong kaso.

Ang nalalabing 42 bagong kaso ay mga lokal na N501Y at E484K mutations. Ang 34 sa mga ito ay natukoy sa Region 7, anim sa Metro Manila, habang dalawa ang kinukumpirma pa.

Dahil dito, umakyat na ang kabuuang bilang ng kaso ng South African variant sa 58, UK variant sa 118 at 76 na kaso ng mutations.

“The DOH and its concerned Centers for Health Development is coordinating with the Metropolitan Manila Development Authority and Local Government Units (LGUs) in NCR and Region 7 to institute measures to contain further transmission of these variants and mutations,” ayon sa DOH.

COVID-19 VARIANT DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with