^

Malawakang paglilikas sa mga Pinoy sa Myanmar ikinasa

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naghahanda na ng mas malawakang paglilikas ng mga Filipino sa Myanmar ang Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ang madugong protesta doon na nagresulta sa pagkasawi ng 38 anti-coup protesters noong Miyerkules.

Sa twitter post ni DFA Secretary Teodoro Locsin Jr., sinabi niya na maglalabas sila ng abiso na lahat ng Pinoy sa Myanmar ay paaalisin na nila habang posible pa at kaya pa.

Sinabi ito ng kalihim matapos mapaulat na pinaalis na rin ng Singaporean government ang kanilang mga residente sa Myanmar habang kaya pa nila dulot na rin ng lumalalang kaguluhan doon.

Matatandaan na noong Pebrero 15 ay 139 Pinoys ang na-irepatriate ng pamahalaan sa nasabing bansa.

Ang kaguluhan sa Myanmar ay dulot ng military kudeta at inaresto si State Counselor Daw Aung Suu Kyu at ang ilang senior elected officials.

Ito ay dahil sa aku­sas­yon na nagkaroon umano ng dayaan sa eleksyon kaya papanagutin nila ang nagkasala, habang nangako naman ang mga military officials na iba­balik nila ang gobyerno sa mga residente kapag maayos na ang sitwasyon.

DFA MYANMAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with