^

Bong Go: Pagbabakuna sa mga opisyal, para magtiwala ang publiko

(Pilipino Star Ngayon) - March 6, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suportado ni Senador Bong Go ang suhestyon na magpabakuna ang mga opisyal ng pamahalaan sa harap ng publiko para maalis ang kanilang takot at mahikayat na magpabakuna ang maraming Filipino laban sa COVID-19.

Sa kabila nito, nilinaw pa rin ni Go na maaari itong gawin na hindi nasasaalang-alang ang mga nasa prio­rity list ng gobyerno sa national COVID-19 vaccination program na tumutukoy sa ilang sektor bilang mga dapat na unahin tulad ng frontliners, mga mahihirap at vulnerable sectors.

Kaya kung makakatulong umano ito para mawala ang takot ng publiko sa bakuna ay suportado niya ang rekomendasyon basta ang mahalaga ay magkaroon ng confidence ang kanilang mga constituents sa lugar ng mga opisyal ng gobyerno halimbawa dito ang Mayor o mga kongresista.

Iginiit pa ng Senador na walang pilitan sa pagpapabakuna para makuha ang herd immunity at maibalik na sa normal na pamumuhay ang pamumuhay ng bawat isa.

Samantala, nakaplano na rin umano sa mga strategic regions ang pagbabakuna at lahat ay mabibigyan partikular na ang mga frontliners na siyang prayoridad.

Ang mahalaga umano ngayon ay maarmasan ang mga frontliners dahil sila ang isinasabak sa giyera kontra COVID-19 pandemic.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with