^
Inflation ng Pebrero bumilis ng 4.7%, presyo ng langis, pagkain salarin
Sa undated photo na ito, makikita ang ilang eksena sa isang palengke sa gitna ng COVID-19 pandemic
The STAR/Michael Varcas, File

Inflation ng Pebrero bumilis ng 4.7%, presyo ng langis, pagkain salarin

James Relativo (Philstar.com) - March 5, 2021 - 11:17am

MANILA, Philippines — Muling nag-ibayo ang headline inflation nitong Pebrero at bumilis ng 4.7% dahil na rin sa patuloy na pagsirit ng presyo sa pagkain, transportasyon atbp., pagbabahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA), Biyernes.

Mas matulin ang paggalaw ng presyo nitong nakaraang buwan kumpara sa naunang iniulat na 4.2% noong Enero 2021.

"Ito ang pinakamataas na inflation na naitala simula noong Enero 2019," pagpapatuloy ng PSA ngayong araw.

"Ito ay dahil sa pagtaas ng presyo ng karne, partikular ang baboy, na may mas mataas na inflation sa antas na 20.7 percent, mula sa 17.1 percent inflation noong Enero 2021."

Matatandaang nagpatupad ng 60-araw na price control ang gobyerno sa presyo ng sari-saring produktong baboy at manok nitong Pebrero dahil na rin sa mga nakalululang bilihin.

Gayunpaman, maraming manininda ang nagpatupad ng "pork holiday" at hindi nagbenta ng baboy dahil na rin mahal itong kinukuha ng mga manininda mula sa mga trader bunsod na rin ng pagtama ng African wine fever.

Isang linggo pa lang ang nakalilipas nang sabihin ni Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Noel Reyes na bukas ang Department of Agriculture (DA) na itaas sa P310-P340 per kilo ang price cieling.

Samantala, naging mabagal ang pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo at mga panggatong na may inflation na -2% noong Pebrero, malayo sa -9 noong Enero.

Nitong nakaraang linggo lang nang nagpatupad ng big time "oil price hike," dahilan para pumatak sa P1 kada litro ang italon ng mga produktong langis.

Bukod pa iyan sa hanggang P1.10 kada litrong pagmamahal ng diesel at hanggang P1.20 litrong pag-akyat ng gasolina.

"Ang ikatlong pinanggalingan ng pagtaas ng inflation sa bansa ay ang mas mabilis na  pag-angat ng presyo sa Housing, Water, Electricity, Gas, and Other Fuels," paliwanag pa ng pamahalaan sa isang pahayag.

Wala namang balita kung may balak ang gobyernong dinggin ang hirit na P100 emergency wage relief ng Kilusang Mayo Uno (KMU) nitong Miyerkules, bagay na kanilang hinihingi matapos bumaba sa P111 ang totoong halaga ng P537 minimum wage bunsod ng mga pagtaas ng mga bilihin at singilin.

"Matagal nang nakabinbin ang petisyon ng Unity for Wage Increase Now (UWIN) d’yan sa [regional wage board]," ani Buddy Carranza ng National Federation of Labor Unions (NAFLU-KMU) 

"Sinamantala ni Duterte at ng RWB ang pandemya para talikuran ang petisyon sa dagdag-sahod. Wala namang sapat na ayuda at serbisyong pantulong ang gobyerno sa gitna ng krisis at pandemya."

Swak pa rin sa target ng gobyerno

Sa kabila ng mga naturang pagtaas, positibo naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) lalo na't pasok pa rin naman daw ang inflation sa target ng pamahalaan na 4.3-5.1%.

"The latest outturn is consistent with the BSP’s assessment of a transitory uptick in inflation in H1 2021, reflecting the impact of weather related disturbances, the African Swine Fever on food prices, higher global oil prices, as well as positive based effects," ani BSP governor Benjamin Diokno kanina.

"Average inflation is expected to remain with the 2.0 -4.0 percent target range over the policy horizon. The projected upward trend in inflation is seen to be temporary, driven primarily by supply side factors."

Nananatili naman daw handa ang BSP na pakilusin ang mga instrumento nito para tuparin ang mandato nitong panatilihin ang price at financial stability na conducive para sa paglago ng ekonomiya.

BANGKO SENTRAL NG PILIPINAS INFLATION KILUSANG MAYO UNO PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with