^
Walang pilitan sa bakuna â Palasyo
Ayon kay Cabinet Sec­retary Karlo Nograles, wa­lang pilitan para kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte.
STAR/ File

Walang pilitan sa bakuna – Palasyo

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

Sa ‘no vaccine, no work’ policy

MANILA, Philippines — Hindi ipipilit ng gobyerno sa sinuman na magpaturok kahit pa napaulat na may mga kompanyang gustong magpatupad ng “no vaccine, no work” policy.

Ayon kay Cabinet Sec­retary Karlo Nograles, wa­lang pilitan para kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Nauna rito, sinabi ni Duterte na walang problema sa kanya kung may mga mamamayan na ayaw magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19.

“For those who do not want to be vaccinated, okay lang sa akin. Wala akong problema. Ayaw ninyong magpabakuna?,” ani Duterte matapos dumating ang donasyong bakuna mula sa China.

Sinabi ng Pangulo na dapat ikonsidera ang kalayaan ng bawat indibiduwal at kung ano ang mangyayari sa kanyang katawan.

Samantala, nagbabala na rin si Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga employers na magpapatalsik sa kanilang mga empleyado na hindi magpapabakuna.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with