^

DOH: Publiko gustong mauna sa bakuna ang government officials

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nais umano ng taumbayan na makita na maunang magpabakuna ang mga opisyal ng pamahalaan bago sila sumailalim sa ‘vaccination’, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Dr. Beverly Ho, DOH Director for Promotion and Communication Service, ito ang resulta ng isinagawa nilang “focus group discussions (FGD)” kung saan tinitignan ng publiko ang mga opisyal ng gobyerno bilang kanilang mga “main influencers”.

“The FGD just showed na ito ‘yung gusto nilang makita na, ‘Ah, actually even leaders pala gagawin. Mauna kayo bago kami.’ That’s actually the narrative we see in social media so that’s also what we’ve gotten from the FGDs,” ayon kay Ho.

Kapareho ito ng isang pag-aaral sa childhood vaccination noong 2019 na nakitang ang mga health workers naman ang malaking impluwensya ng tao para magpabakuna ang kanilang mga anak.

Sa kabila nito, hindi naman kailangang agad isalang sa pagpapabakuna ang mga opisyal dahil kailangan talagang mauna ang mga healthcare workers na nasa “priority list”.

Pero nitong Lunes, ilang opisyal ng pamahalaan kabilang sina vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. at testing czar Secretary Vince Dizon ang nagpabakuna na gamit ang Sinovac vaccine.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with