^

Face-to-face classes ‘di sapilitan

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nilinaw ng ilang senador na hindi mandatory o sapilitan ang face-to-face classes sa mga bata at ang kanilang mga magulang ang magdedesisyon kung papayagan sila na magtungo sa eskwelahan.

Sinabi ni Sen. Joel Villanueva na maaaring isagawa ang praktis sa pisikal na klase sa 200 bayan na walang kaso ng COVID-19.

Subalit kailangan umanong pumayag ang mga local government, local health officials at school board sa pagsasagawa ng praktis bago ito magsimula.

Ang Pilipinas umano ay isa sa 14 bansa sa may 190 bansa sa buong mundo na sarado ang mga eskwelahan.

Iginiit din ni Sen. Sherwin Gatchalian, na walang pilitan sa panukalang pilot test ng face-to-face classes, kaya kung hindi umano komportable ang mga magulang sa pagpapadala ng kanilang anak sa paaralan ay hindi sila pipilitin.

Para kay Gatchalian, hindi lang pag-aaral ang pinaka-importante sa mga bata, kundi mahalaga rin sa kanila ang pakikihalubilo, pakikipagkapwa tao dahil dito nadedebelop ang kanilang komunikasyon.

JOEL VILLANUEVA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with