^
Sinibak na Philippines envoy nagpasaklolo sa korte
Sa isang press statement, sinabi ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro na iaakyat niya sa korte ang legalidad ng desisyon ng Pangulo.
STAR/ File

Sinibak na Philippines envoy nagpasaklolo sa korte

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kukwestyunin ni da-ting Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay sibakin sa serbisyo.

Sa isang press statement, sinabi ni Mauro na iaakyat niya sa korte ang legalidad ng desisyon ng Pangulo.

Hindi umano naging patas ang desisyon laban sa kanya matapos ang imbestigasyon na ginawa ng Department of Foreign Affairs.

Sa pinirmahang desis­yon ng Pangulo, pagkatanggal sa serbisyo, pagbawi ng lahat ng kanyang benepisyo, pagbabawal na makapasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at pagbawi ng kanyang eligibility ang ipinataw na parusa sa dating Ambassador.

Itinuring ni Mauro na isang unbiased judgment ang hatol sa kanya ng Presidente gayong dapat ay dumaan umano ito sa tamang proseso tulad ng Ombudsman kung saan isasampa ang kaso sa korte at ito naman ang magdedesisyon kung siya ba ay dapat matanggal sa serbisyo. 

MARICHU MAURO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with