^
Pinas magpapadala muli ng domestic workers sa UAE
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mag-uumpisa ang deployment sa Marso 1 kung saan 100,000 ‘household service workers’ na ang naghihintay na makapag-umpisa ng trabaho.
Geremy Pintolo

Pinas magpapadala muli ng domestic workers sa UAE

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling magpapadala ng mga domestic wor-kers ang Pilipinas sa United Arab Emirates (UAE) makaraan ang pitong taong negosasyon na nagresulta sa pag-apruba sa bagong ‘labor agreement’ ng dalawang bansa.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na mag-uumpisa ang deployment sa Marso 1 kung saan 100,000 ‘household service workers’ na ang naghihintay na makapag-umpisa ng trabaho.

Sinabi naman ni Philip­pine delegation head Undersecretary Claro Arellano, ang deployment ay sasakupin na ngayon ng ‘Unified Employment Contract (UEC)’ na layong bigyan ng proteksyon ang mga manggagawang Pilipino laban sa mga pang-aabuso.

Sa ilalim ng UEC, ang employer, foreign recruitment agency at ang Phi-lippine recruitment agency ang mananagot sakaling may masamang mangyari sa Pinoy workers.

Kabilang rin sa mga karapatan ng mga domestic workers ang walong oras na tulog; bayad na isang araw na day-off; hindi hahawakan ng employer ang kanilang passport; paggamit ng mobile phones at iba pang communication gadgets; pagbukas ng bank account sa ilalim ng pangalan ng DH para sa kanilang suweldo; at pagpayag na makapagluto ang DH ng sarili nilang pagkain.

Isa png pagbabago ay ang pagpayag na mai-convert ang hawak na ‘tourist/visit visa’ ng isang manggagawang Pinoy sa ‘working visa’.

UAE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with