^
Rollout ng bakuna tagumpay - Malacañang
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, matagumpay ang programa ng bakuna kung pagbabasehan ang nangyari sa Philippine General Hospital.
Walter Bollozos

Rollout ng bakuna tagumpay - Malacañang

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki kahapon ng Malacañang na matagumpay ang panimula ng pagbabakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, matagumpay ang programa ng bakuna kung pagbabasehan ang nangyari sa Philippine General Hospital.

Lumampas pa aniya sa inaasahang 70 ang bilang ng nabakunahan na humigit sa 120.

Kahapon ay tuluy-tuloy ang pagbabakuna sa PGH at posibleng magkulang pa ang inisyal na alokasyon na mahigit sa 1,000.

Ayon pa kay Roque, may buffer stock na nasa 30,000 sakaling magkulang pa ang bakuna sa PGH.

Samantala, pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang pamahalaan at ang “Team Philippines” sa matagumpay na simula ng rollout ng vaccination program nitong Lunes.

Sinabi ni Go na dahil sa simula ng pagbabakuna ay lumakas ang pag-asa ng bansa para makabangon tungo sa “new normal” at makabalik na sa normal ang kabuhayan ng mga Filipino.

“Maliban sa ating mga magigiting na mga medical frontliners, naging matagumpay din ang pagbakuna sa ilang mga opisyal ng gobyerno hindi dahil sila po ay prayoridad kundi ginawa po nila ito upang maipakita sa publiko na magtiwala po tayo sa bakuna, na tanging bakuna lamang po ang solusyon, tanging bakuna lamang po ang susi upang unti-unti na tayong makabalik sa ating normal na pamumuhay,” paliwanag ni Go.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with