^
Mas maraming health workers, nais nang magpabakuna ng Sinovac
Sinabi ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi na nasa 200 hospital staff na nila ang nagpalista ang inaasahang mababakunahan nitong Martes.
Miguel De Guzman, file

Mas maraming health workers, nais nang magpabakuna ng Sinovac

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mas marami nang health workers ang nahikayat nang magpabakuna gamit ang China-made Sinovac COVID-19 vaccine partikular sa Philippine General Hospital.

Sinabi ni PGH Director Dr. Gerardo Legaspi na nasa 200 hospital staff na nila ang nagpalista ang inaasahang mababakunahan nitong Martes.

Si Legaspi ang kauna-unahang sumalang sa bakuna nitong Lunes na sinundan ng nasa 123 medical staff nila.

Bago ang pagdating ng bakuna, nasa 12 porsyento lamang ng 2,500 hospital staff ang nagpahayag ng interes na magpabakuna gamit ang Coronavac ng Sinovac. Marami sa tumanggi ay ibang brands ang nais at handang maghintay na lamang sa pagdating ng suplay.

Samantala, sinabi ni Legaspi na maayos naman ang kaniyang pakiramdam matapos siyang mabakunahan. Maliban sa konting pamamaga ng braso, normal at malakas umano ang kaniyang katawan.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with