^
Philippines envoy na nagmaltrato ng kasambahay, sinibak ni Duterte
Ayon sa Pangulo, nilagdaan na niya ang dokumento na nagpapatalsik kay Mauro sa serbisyo.
Philippine Embassy in Brazil

Philippines envoy na nagmaltrato ng kasambahay, sinibak ni Duterte

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsipa sa serbisyo ng dating ambassador ng Brazil na si Marichu Mauro dahil sa pagmamaltrato sa kanyang Pinay domestic helper na kasama sa Brazil.

Ayon sa Pangulo, nilagdaan na niya ang dokumento na nagpapatalsik kay Mauro sa serbisyo.

“Sorry, iyong ambassador doon sa Brazil who maltreated a household helper, ito repeatedly inflicted physical harm doon sa tao. The recommendation was --- and I am --- I signed the... When was it? The other day or last night? I signed the document affirming the decision,” ani Duterte.

Bukod sa dismissal sa serbisyo, hindi na rin makukuha ni Mauro ang kanyang retirement benefits at hindi na muling papayagang makapagtrabaho sa gobyerno.

Kasabay nito, ipinagbabawal na ang pagdadala ng mga domestic staff ng mga diplomatic officers sa ibang bansa.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., hindi na pinapayagan ng DFA ang mga domestic staff na sumama sa mga opisyal na naa-aasigned sa abroad.

Ang mga nais magkaroon ng domestic staff ay kailangang dumaan sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Nagtakda rin ng minimum na sahod na $400-$600 na idedeposito sa account ng domestic staff.

Sinabi ni Locsin na hindi niya maaaring hayaan na maulit pa ang ginawa ni Mauro na nakunan ng video ang ginawang paulit-ulit na pananakit sa kasambahay.

Related video:

AMBASSADOR BRAZIL RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with