^
Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG
Nilinaw ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ang RT-PCR test ay hindi kailanman naging requirement mula sa national government, at sa halip ay ang mga local governments aniya ang nag-require nito.
Pixabay/Skitterphoto

Pag-aalis ng travel authority, quarantine requirements idinepensa ng DILG

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idinepensa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang desisyong alisin na ang ilang requirements at paluwagin ang ilang health protocols ng mga biyahero, kahit pa nananatili pa rin ang banta ng COVID-19.

Kasunod ito nang pagbatikos ni Vice Pres. Leni Robredo sa pagtatanggal ng quarantine at testing protocols, dahil maaari aniya itong maging dahilan ng big­lang pagdami ng COVID cases.

Nilinaw ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya na ang RT-PCR test ay hindi kailanman naging requirement mula sa national government, at sa halip ay ang mga local governments aniya ang nag-require nito.

Hinggil naman sa pagtatanggal ng quarantine requirement, kinonsulta nila ang mga health professionals at iminungkahi ng mga ito na wala nang biyahero ang ire-require na sumailalim sa facility-based quarantine.

Tanging ang mga biyahero lamang na makikitaan ng sintomas ng sakit sa pagdating sa kanyang destinasyon ang isasailalim sa quarantine.

Sinabi rin ni Malaya na ang kritisismo ni Robredo ay ‘misplaced’ o wala sa lugar.

Ipinaliwanag niya na nang sabihin ng bise presidente na ang mga Locally Stranded Individuals (LSIs) ang responsable sa pagkalat ng COVID sa mga lalawigan, ito ay noong mga unang araw pa lamang ng pandemic kung kailan mataas ang infection rates at mababa ang compliance ng mga mamamayan sa minimum health standards.

Matapos aniya ang isang taon, mataas na ang compliance ng mga mamamayan sa minimum health standards, mababa na ang bilang ng mga aktibong kaso at alam na ng mga mamamayan ang dapat gawin upang protektahan ang kanilang sarili at kanilang pamilya laban sa virus.

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with