^
Internet speed lalo pang tumaas nitong Pebrero
Ayon sa Ookla Speedtest Global Index, nakapagtala ng 5.73 points na pagtaas mula sa dating 32.73Mbps noong nakaraang buwan patungo sa 38.46Mbps nitong Pebrero 2021. Dahil dito, nagkaroon ng buwanang pagtaas sa download speed sa 17.51%.
STAR/File

Internet speed lalo pang tumaas nitong Pebrero

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naitala ang pinakamataas na average download speed para sa fixed broadband sa bansa noong buwan ng Pebrero 2021, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ayon sa Ookla Speedtest Global Index, nakapagtala ng 5.73 points na pagtaas mula sa dating 32.73Mbps noong nakaraang buwan patungo sa 38.46Mbps nitong Pebrero 2021. Dahil dito, nagkaroon ng buwanang pagtaas sa download speed sa 17.51%.

Umabot naman sa 252.68% ang itinaas sa average download speed nitong Pebrero sa 26.24Mbps kung ikukumpara noong Hulyo 2016 na mayroon lamang 7.91Mbps download speed.

Ang malaking pag-unlad sa internet speed sa bansa ay makaraan ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2020 na pabilisin ng mga lokal na pamahalaan ang pagproseso sa mga permits ng mga telecommunication companies para makapagpatayo ng mga imprastraktura.

NATIONAL TELECOMMUNICATIONS COMMISSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with