^
Korte ibinaliktad ang desisyong bumuhay sa kasong rebelyon vs Trillanes
File photo ni dating Sen. Antonio Trillanes IV
The STAR/Geremy Pintolo, file

Korte ibinaliktad ang desisyong bumuhay sa kasong rebelyon vs Trillanes

(Philstar.com) - March 2, 2021 - 1:59pm

MANILA, Philippines — Ibinaliktad ng Court of Appeals (CA) ang naunang desisyon ng isang korte sa Makati na muling buhayin ang kasong rebelyon kay dating Sen. Antonio Trillanes IV, ayon sa isang desisyong inilabas ngayong Martes.

Sa dokumentong pinetsahang ika-1 ng Marso ng CA Sixth Division, wagi si Trillanes sa petisyong humahamon sa utos ng Makati Regional Trial Court Branch 150 na ipaaresto siya. Kasama rin sa ipinababaliktad ang December 18, 2018 order na kumatig sa nabanggit na desisyon.

Una nang lumabas na na-"revoke" ang amnestiya ng dating senador kaugnay ng 2007 Manila Peninsula seige habang ipinagpapalagay ng kautusang inilabas noong ika-25 ng Setyembre, 2018 na buhay na uli ang rebellion case ni Trillanes. 

Sinabi kasi ni noo'y Judge Elmo Alameda na "bigo" si Trillanes makumbinsi ang korteng sumunod siya sa minimum requirement sa pag-a-apply ng amnestiya, dahilan para mabuhay ang dating kaso ng senador. Sa kabila niyan, sinabi ng CA na dapat pa ring magkaroon ng prosesong may "proper judicial inquiry."

Kaugnay na balita: Trillanes amnesty: Two courts and two rulings that may meet at SC

Basahin: Makati court resumes Trillanes rebellion trial after eight-year break

"A revoked amnesty can render void an order or judgment that dismissed a criminal action because of the amnesty, but the process entails a proper judicial inquiry which either party of the controversy, be it government or grantee, may initiate via the proper legal tools and remedies with the proper court clothed with jurisdiction," sabi ng CA.

"It acted with grave abuse of discretion that amounted to excess of jurisdiction, thus ousting it of jurisdiction, when it shunned testimonial evidence."

Kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte si Trillanes na noo'y nanguna para patalsikin si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Kasama noon ni Trillanes si dating Brig. Gen. Danilo Lim at 25 iba pang Magdalo mutineers hanggang sa magmartsa sa kalsada ng Makati.

Wala pa namang komento rito ang Malacañang sa ngayon paglilinaw ni presidential spokesperson Harry Roque kanina sa isang press briefing.

"Wala akong ideya sa kasong 'yan so wala akong reaksyon. Baka 'yan naman po 'yung... patuloy pa rin siyang pinananagot despite the amnesty," sabi ng tagapagsalita ni Duterte.

"Pero wala po talaga akong alam. I cannot comment on it. Hindi ko po alam kung anong kaso 'yan." — James Relativo at may mga ulat mula kay Kristine Joy Patag

Antabayanan ang mga karagdagang detalye sa balitang ito

ANTONIO TRILLANES IV COURT OF APPEALS REBELLION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with