^
13 kaso ng 'side effects' sa Sinovac vaccines naitala sa unang araw ng pagbabakuna
Inihahanda ng health worker ang pagbibigay ng unang phase ng Sinovac COVID-19 immunization sa isang ospital sa Maynila, ika-1 ng Marso, 2021
AFP/Ted Aljibe

13 kaso ng 'side effects' sa Sinovac vaccines naitala sa unang araw ng pagbabakuna

James Relativo (Philstar.com) - March 2, 2021 - 11:58am

MANILA, Philippines —  Lagpas isang dosenang "adverse events" o negatibong epekto sa naturukan ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ang naitala ng Department of Health (DOH) sa unang araw ng immunization program ng gobyerno na sinimulan nitong Lunes.

Ito ang inilahad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Martes, matapos gamitin ang Chinese drug na CoronaVac ng manufacturer na Sinovac kahapon na una nang sinabing "not recommended" para sa senior citizens at health workers na laging exposed sa COVID-19, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

"There were 13 adverse events following immunization that were noted yesterday among all of these vaccinees in these different hospitals," paglalahad ni Vergeire sa isang media forum kanina.

"Dito po sa mga adverse events na naranasan ng ating mga kababayan, all of them are common and all of them are minor adverse events."

Narito ang breakdown ng mga nasabing side effects:

  • pagtaas ng presyon (7)
  • pagsakit ng brasong inineksyunan (3)
  • nangati at nagka-"rashes" (1)
  • sumakit ang ulo (1)
  • nakaramdam ng kagustuhang sumuka (1)

"Wala sa kanilang na-admit [sa ospital]. lahat sila ay in-obserbahan, minanage, at after a while, they were all sent home," sambit pa ng DOH official.

Wala pang inilalabas na Phase 3 clinical trial data ang Sinovac sa mga medical journal para maisailalim sa peer review ang kanilang COVID-19 vaccine— hindi gaya ng Pfizer, AstraZeneca at Moderna.

Ang nasabing vaccination effort ay bahagi ng una sa dalawang turok ng 600,000 dosages ng bakunang donasyon ng Tsina sa Pilipinas. Kasalukuyang nakalagak sa Marikina ang mga nalalabing gamot.

Una sa mga tinurukan kahapon ang mga healthcare workers at kasundaluhan na kasama sa prioritization list ng gobyerno pagdating sa COVID-19 jabs.

Sinisiguro naman ng DOH na walang kakaiba sa anumang allergic reactions sa nasabing gamot lalo na't "foreign elments" ito na pumapasok sa katawan gaya ng pagkain.

Gobyerno masaya sa vaccination efforts

Sa kabila ng iilang side effects, naninindigan ang DOH na maayos ang nangyaring unang araw ng pagbabakuna: "We are content. Masaya kami. Nagbabakuna na po tayo. Ang tagal-tagal po nating hinantay and we are now vaccinating out healthcare workers na talagang sila ang pinakaimportanteng mabakunahan," patuloy ni Vergeire.

"Nakita po namin 'yung uptake ng ating mgha healthcare workers sa iba't ibvang ospital kumpara sa mga previous days na may mga lumalabas na talagang mataas ang hesitancy."

Aniya, nakita ng DOH ang suporta ng mga manggagamot matapos boluntaryong kumuha nito. Bagama't hindi pa raw gaano kataas ang mga nagpapaturok, inaasahan nilang darami pa ito sa mga susunod na araw para maprotektahan ang mga pangunahing humaharap sa nakamamatay na virus.

Una nang lumabas na maraming Pilipino pa rin ang nagdadalawang-isip o ayaw magpaturok ng COVID-19 vaccines matapos sabihin ng OCTA Research survey na 46% ng mga Pilipino ang ayaw dito, habang 35% ang hindi pa nakakapagdesisyon.

Sa kasalukuyan, tatlong bakuna pa lang ang may emergency use authority (EUA) para maibigay sa mga Pilipino sa gitna ng public health emergency: Sinovac, Pfizer at AstraZeneca. Tinitignan ng mga health experts na importante itong maibigay agad-agad upang ma-contain ang pagkalat ng virus at makamit ang "herd immunity" para dahan-dahang maibalik sa normal ang sitwasyon ng Pilipinas.

Linggo nang lubos-lubos ang pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Tsina sa mga donasyong CoronaVac, dahilan para magplano na siya ng trip patungong Beijing upang makamayan si Chinese President Xi Jinping.

"I'd like to just say that towards maybe the end of the year, when everything has settled down, I intend to make a short visit to China... to just shake hands with President Xi Jinping and personally thank him for his donation," ani Digong.

Pananagutan sa adverse events

Dahil under development pa rin ang mga COVID-19 vaccines at EUA pa lang ng FDA ang meron (hindi certificate of product registration), gobyerno ng Pilipino ang mananagot sa anumang negatibong epekto na maidudulot nito sa matuturukan.

Gayunpaman, ligtas sa pananagutan ang manufacturers at healthcare workers na nagtitiyak nito maliban kung may "gross negligence."

"[With] this law na bagong labas... meron din pong clause diyan na nakalagay na there is waiving of liability against the healthcare worker, against the manufacturer, against those na officials na nag-process nito base dito sa pagbibigay ng bakunang ito," paliwanag pa ni Vergeire.

"Gobyerno ang sasagot, gobyerno ang magpapagamot, gobyerno ang magbabantay, gobyerno ang tutulong sa mga magkakaroon ng adverse events na ito."

Sa huling taya ng DOH nitong Linggo, umabot na sa 578,381 ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, binawian na ng buhay ang 12,322.

COVID-19 VACCINE DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS SINOVAC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with