^

Bansa

MGCQ sa buong bansa, kung may 20 milyong bakuna na! - Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
MGCQ sa buong bansa, kung may 20 milyong bakuna na! - Duterte
“Kung mayroon ng --- if the vaccine is available to anybody for one reason or another, sa mga probinsiya na-distribute na ‘yan kasi hindi naman mag-abot ng 110 million. Eh sa estimate nila it’s about 40 million. Kung maka-hit tayo ng 40 million o nandiyan na ‘yong vaccine, maski mag --- mayroon tayong mga 20, 30, buksan ko na. Buksan ko na dahil sa economy,” ani Duterte.
Boy Santos/File

MANILA, Philippines — Nakahanda na si Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang ekonomiya basta’t uma­bot sa 20 milyon hanggang 40 milyon doses ang naka-stock na bakuna laban sa COVID-19.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos dumating sa bansa kamakalawa ang bakuna na donasyon ng China.

Sinabi ng Pangulo na hindi kailangang umabot sa 110 milyon ang bakuna.

“Kung mayroon ng --- if the vaccine is available to anybody for one reason or another, sa mga probinsiya na-distribute na ‘yan kasi hindi naman mag-abot ng 110 million. Eh sa estimate nila it’s about 40 million. Kung maka-hit tayo ng 40 million o nandiyan na ‘yong vaccine, maski mag --- mayroon tayong mga 20, 30, buksan ko na. Buksan ko na dahil sa economy,” ani Duterte.

Sinabi ng Pangulo na lugmok ang ekonomiya kaya dapat mabilisan ang pagpapabakuna.

“I am considering it actually. ‘Pag start… Buksan ko na because there are two things that are really bugging us: it’s the economy and COVID-19. Nakatutok ‘yan. Our economy is really down, as in down. So the earlier na mabilisan itong vaccine, the better,” ani Duterte. Idinagdag ng Pangulo na kailangang kumain, magtrabaho ay magbayad ng mga bills ang mga mamamayan na mangyayari lamang kung bukas ang ekonomiya upang lumago ang mga negosyo

Sinabi ng Pangulo na isang milyon doses ng bakuna ang inaasahan ngayong buwan at kailangang magkaroon ng 2 milyon doses para mailagay sa modified general community quarantine ang Metro Manila.

Pero kung magkakaroon aniya ng maraming bakuna ay bubuksan lahat ng Pangulo ang mga negosyo.

 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with